Sa Great Hall of People — Idinaos kahapon ng hapon ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Konseho ng Estado ng bansa, at Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, ang isang talakayan bilang paggunita sa ika-69 na anibersaryo ng tagumpay ng Anti-Japanese War ng Tsina at Anti-Fascist War ng daigdig.
Sa kanyang talumpati sa talakayan, binigyang-diin ni Xi Jinping, Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, na di-maaring bumalik ang kasaysayan, ngunit maaring likhain ang kinabukasan. Aniya, layon ng paggunita ng naturang okasyon ay isaisip ang kasaysayan, at magkakasamang likhain ang kinabukasan.
Dagdag pa ng Pangulong Tsino, dapat gamitin ng panig Hapones ang responsableng atityud sa kasaysayan, mga mamamayan, at hinaharap, at dapat din nitong solemnang pakitunguhan at maayos na hawakan ang isyung historikal sa maingat na atityud para mapangalagaan ang pangkalahatang kalagayan ng katatagan at kaunlaran ng Asya.
Salin: Li Feng