|
||||||||
|
||
JAKARTA, Xinhua—Isang kasunduang panghanggahan na pinangalanang "Delimitation of the Territorial Seas in the Eastern Part of the Strait of Singapore" ang nilagdaan kamakalawa ng Singapore at Indonesia.
Tumayong-saksi sa seremonya ng paglalagda sina Pangulong Susilo Bambang Yudhoyono ng Indonesia at Pangulong Tony Tan Keng Yam ng Singapore.
Ang delimitasyong pandagat na ito ay nagmumula sa Batam Island ng Indonesia hanggang Changi ng Singapore.
Noong 2009, nilagdaan ng dalawang bansang ASEAN ang kasunduang nagtatakda ng hanggahan sa bahaging kanluran ng Singapore Strait.
Kaugnay nito, ipinalalagay ng mga dalubhasa na karapat-dapat na gayahin ng mga bansa sa rehiyong ito na mayroon ding alitang panghanggahan ang ginawa ng Singapore at Indonesia. Nanawagan sila sa mga may kinalamang bansa na lutasin ang alitan sa mapayapang talastasan.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |