Nakipag-usap kahapon sa White House si Pangulo Barack Obama ng Amerika sa mga lider ng parliamento mula sa Democratic Party at Republican Party, at ipinaalam sa kanila ang planong pagbibigay-dagok sa Islamic State, isang organisasyong terorista sa Iraq.
Samantala, nakatakdang ipalabas mamayang gabi ni Pangulo Obama ang kanyang pambansang talumpati sa TV at ipapatalastas nito ang naturang plano, bilang paggunita sa ika-13 anibersaryo ng 9.11 teroristikong pag-atake, na naganap sa bansa, noong 2001.