Matapos isumite kahapon ang preliminary report sa awtoridad ng Malaysia hinggil sa pagbagsak ng Flight MH17 ng Malaysia Airlines, tinukoy ni Liow Tiong Lai, Ministro ng Transportasyon ng Malaysia na nakatakdang isagawa ang pagsusuri sa larangang kriminal matapos nitong gawin ang imbestigasyong teknikal. Umaasa aniya siyang pahihigpitin ang pakikipagtulungan sa komunidad ng daigdig para tiyakin ang katotohanan ng pagbagsak ng eroplano at parusahan ang mga may kagagawan, alinsunod sa pandaigdigang batas.