Kaugnay ng inisiyal na ulat hinggil sa insidente ng pagbagsak ng Flight MH17 ng Malaysian Airlines, ipinahayag kahapon ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia ang mainit na pagtanggap dito. Nanawagan din siya sa iba't ibang may kinalamag panig na magtulungan para matapos ang pinal na ulat sa lalong madaling panahon.
Ipinalabas kahapon ng National Security Council ng Netherlands ang inisyal na ulat hinggil sa insidente ng pagbagsak ng Flight MH17. Ayon sa naturang ulat, ang pagbagsak ng naturang eroplano ay nagmula sa pagtama ng mga bagay sa labas ng eroplano sa halip ng aberya ng eroplano at aksyon ng piloto.
Ipinahayag ni Najib Tun Razak na buong sikap na hinahanap ng kanyang bansa at grupong pandaigdig ang mga materiyal na palatandaan na binaril at pinabagsak ang Flight MH17.