Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Usec. Terrado nakipagpulong kay Liu Zhiyong, Opisyal ng Guangxi

(GMT+08:00) 2014-09-15 13:45:00       CRI

si  Nora Terrado (sa kaliwa ng litrato) at Liu Zhiyong. (litrato kuha ng PTV)

Nakipagpulong kaninang umaga sa Li Yuan Resort, Nanning, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi si Department of Trade and Industry Undersecretary Nora Terrado kay Liu Zhiyong, Pangalawang Tagapangulo ng Pamahalaan ng Guangxi.

Sa kanilang isang oras na pagpupulong, iginiit ni Liu na higit na pinapahalagahan ng Tsina ang pakikipagkalakalan sa Pilipinas na kinabibilangang ng mga produktong agrikultural, pangisdaan at iba pa.

Dagdag niya, nagtala ng 12.2% economic growth ang merkado ng Guangxi at umaabot sa 100 milyong dolyar ang halaga ng kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Guangxi.

Ang Guangxi ay sister province ng Cebu, samantala ang Nanning naman ay sister city ng Davao City.

Sa kanyang pagharap sa media mula sa Pilipinas, sinabi ni Usec. Terrado na nais ng Pilipinas na pataasin ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa. Hangad niyang gawin ang mga pagpapaunlad ng kalakalan sa Nanning.

Dagdag niyang handa ang Pilipinas na makipagsabayan sa ibang mga bansang ASEAN sa e-business dahil maraming Pilipino ang may kakayahan para magsagawa ng negosyo gamit ang teknolohiya.

Ibihagi niyang sa kasalukuyan ang IT / BPM (Business Process Management) workforce ng bansa ay mayroong isang milyong trabahador. Sandaang libo (100,000) sa mga ito ay may kakayanan sa IT at maraming mga kabataan ang itinuturing sa ngayon bilang "digitally savvy." Kaya hindi maiiwasan ang paggamit ng teknolohiya sa negosyo dahil ito na ang paraan ng pakikipagkalakalan sa kasalukuyan at sa hinaharap.

Nang tanungin ng mamamahayag hinggil sa epekto ng hidwaan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina sa kalakalan, sinabi ni Usec. Terrado na ito ay maisasaisang-tabi dahil ang buong mundo ay tuluy-tuloy sa pakikipagnegosyo sa digital na pamamaraan.

(Litrato mula sa World News)

Si Usec. Nora Terrado ang puno ng delegasyon ng Pilipinas sa ika-11 China ASEAN Expo na binubuo ng 60 negosyante.

Ulat ni Machelle Ramos at Ernest Wang batay sa ulat ng PTV

May Kinalamang Babasahin
Caexpo
v 2014 CAExpo 2014-09-15 09:45:56
Caexpo
v Ika-11 CAEXPO at CABIS, makukulay 2014-09-15 15:06:22
v Regulasyon sa Ika-11 CAExpo, pinahihigpit 2014-09-14 15:30:53
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>