|
||||||||
|
||
Makukulay ang mga aktibidad at porum sa Ika-11 China ASEAN Expo (CAEXPO) at ika-11 China ASEAN Business and Investment Summit (CABIS) para pasusulungin ang kalakalan, pamumuhunan, pinansya, at transportasyon.
Sa news briefing na idinaos ngayong araw sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, inilahad ni Hu Suojing, Deputy Direktor ng Tanggapan ng Impormasyon ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, ang impormasyon hinggil sa ika-11 CAEXPO at ika-11 CABIS.
Ang ika-11 CAEXPO at ika-11 CABIS ay bubuksan bukas sa Nanning at ang tema nito ay ang "Magkakasamang Pagtatatag ng Maritime Silk Road sa ika-21 Siglo." Ito ay naglalayong pasulungin ang win-win situation at mutuwal na kapakinabangan ng Tsina at ASEAN at palalimin ang mga kooperasyon ng dalawang panig.
Ayon sa kanya, patuloy na pinahahalagahan ng mga lider ng bansang ASEAN ang kasalukuyang CAEXPO at CABIS. Dadalo sa seremonya ng pagbubukas ng CAEXPO sina Zhang Gaoli, Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangalawang Premyer ng Tsina, Lee Hsien Loong Punong Ministro ng Singapore, Hun Sen, Punong Ministro ng Cambodia, at Bounnhang Vorachitn, Pangalawang Pangulo ng Laos. Bukod dito, dadalo rin sa CAEXPO ang mga mataas na opisyal ng Tsina at mga bansang ASEAN.
Lumahok sa kasalukuyang CAEXPO ang 2330 dayuhang bahay-kalakal at nag-aplay ang mga ito ng 6009 booths. Ang bilang na ito ay lumaki ng 30% kumpara sa 10th CAEXPO. Bukod dito, lumahok din ang mga mangangalakal at mamumuhunan na galing sa ibang mga bansa na gaya ng Australia, India, Japan, South Africa, Hungary, German, France at Amerika.
Idaraos din sa CAEXPO ang 13 espesyal na porum sa mataas na antas para pasulungin konstruksyon ng Maritime Silk Road sa pamamagitan ng mga larangan na gaya ng hudisya, internet, at transnasyonal na negosyo.
Bukod pa riyan, idaraos ang mga aktibidad ng pagpapalitan ng kultura sa pagitan ng Tsina at mga bansang ASEAN na gaya ng pagtatanghal ng mga litrato, pestibal ng mga folk song ng Guangxi, Film Week ng Singapore, at iba pa.
Ulat ni Ernest Wang at Machelle Ramos mula sa Nanning
| ||||
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |