Sa kanyang pagdalaw sa Maldives, isang artikulo na pinamagatang "Tunay na Kaibigan, Umuunlad na Partner" ang ipinalabas ni Xi Jinping, Pangulo ng Tsina sa mga lokal na media.
Ayon sa artikulo, sinabi ni Xi na mahaba ang kasaysayan ng pagpapalitan ng Tsina at Maldives. Anito pa, noong Dinastiyang Ming, dalawang beses na nagpunta sa Maldives ang delegasyong pinamumunuan ng kilalang manlalayag na si Zheng He.
Sinabi pa ng artikulo, na sa kasalukuyan, ang relasyon ng dalawang bansa ay patuloy na umuunlad, at kinaharap ang mahalagang pagkakataon ng pag-unlad. Dapat samantalahin natin ang pagkakataong ito, at palalimin ang kooperasyon sa iba't ibang larangan, dagdag pa ng artikulo ni Xi.
Anito, itinataguyod ng Tsina ang pagtatayo ng "Maritime Silk Road" sa Ika-21 Siglo, at nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Maldives, para mapasulong ang pagsasakatuparan ng mithiing ito at kasaganaan ng iba't ibang bansa sa Asya.
Ayon pa rito, itinuturing ng Tsina ang Maldives bilang mahalagang partner sa Timog Asya at Indian Ocean, at sana ay magpatuloy ang kooperasyon ng dalawang bansa sa paglaban sa pagbabago ng klima at pagsusulong ng karapatang pantao. Masaya ang Tsina na gumaganap ang Maldives ng papel sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, anang artikulo.
salin:wle