Dumating kahapon sa Male, Maldives si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kasama ang kanyang asawa na si Peng Liyuan. Sinalubong sila sa paliparan ni Abdullah Yameen, Pangulo ng Maldives at kanyang asawa.
Ipinahayag ni Yameen na ang pagdalaw ni Xi ang kauna-unahang pagkakataong pagdalaw ng Pangulo ng Tsina sa Maldives nitong 42 taong nakalipas sapul nang itayo ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa. Aniya, natutuwa siya sa pagdalaw ni Xi.
Dumating si Xi sa Maldives pagkatapos ng kanyang paglahok sa Ika-14 na Simmit ng SCO sa Tajikistan.
salin:wle