Pagkaraan ng pagdalaw sa Sri Lanka, dumating kahapon sa Gujrat, India si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para pasimulan ang kanyang pagbisita sa bansang ito.
Sa kanyang talumpati sa paliparan, tinukoy ng Pangulong Tsino na bilang dalawang pinakamalaking umuunlad na bansa at emerging economies sa daigdig, ang Tsina at India ay nagsisilbing mahalagang puwersa sa pagpapasulong ng multi-polarisasyon ng daigdig at kaunlarang pangkabuhayan ng Asya. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng India para pahigpitin ang partnership ng dalawang bansa at maisakatuparan ang target sa pagiging malakas ng estado at masagana ng pamumuhay ng mga mamamayan.