Sa kanyang talumpati kahapon sa pangkalahatang debatehan ng ika-69 na Pangkalahatang Asamblea ng United Nations (UN), tinukoy ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na ang kasalukuyang taon ay ika-100 anibersaryo ng pagsiklab ng World War I, at ang susunod na taon naman ay ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng World War II. Ang UN ay itinatag batay sa malungkot na karanasan ng dalawang digmaang pandaigdig, at nagsasabalikat ito ng pananabik ng buong mundo sa kapayapaan at katatagan.
Ani Wang, sa kasalukuyang daigdig, dapat may-haramonyang makipamuhayan sa isa't isa ang iba't ibang bansa batay sa pakikitungong may pagkakapantay-pantay, pagbubukas, pagbibigayan, pagtutulungan, win-win situation at katarungan.
Salin: Vera