Idinaos kahapon ang resepsyon sa Embahada ng Tsina sa Singapore bilang pagdiriwang sa ika-65 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Tsina
Idinaos kahapon ang resepsyon sa Embahada ng Tsina sa Singapore bilang pagdiriwang sa ika-65 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Tsina. Dumalo sa pagtitipong ito ang mga kinatawan mula sa ibat-ibang sektor ng Singapore at mga organong Tsino sa lokalidad.
Sa kanyang talumpati sa resepsyon, ipinahayag ni Duan Jielong, Embahador Tsino sa Singapore na kasabay ng pagpapalalim ng pagpapalitan sa mataas na antas at pagtitiwalaang pampulitika ng Tsina at Singapore, nananatili pa ring mabilis ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa kabuhayan at kalakalan. Aniya, bilang pinamalaking trade partner ng Singapore at pinakamalaki namang pinanggagalingan ng mga pondong dayuhan sa Tsina, lumampas sa 75.9 bilyong dolyares ang kabuuang halaga sa kalakalan ng dalawang panig, noong taong 2013.
Sinabi ni Duan na sa nalalapit na pagdiriwang sa ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Singapore at ika-50 Pambansang Araw ng Singapore sa taong 2015, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Singapore para magkaroon ito ng mas magandang bilateral na relasyon sa hinaharap.