Sina Yang Jiechi at K. Shanmugam
Nakipagtagpo kahapon dito sa Beijing si Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina kay K. Shanmugam, Ministrong Panlabas at Ministro ng Law and Home Affairs ng Singapore.
Ipinahayag ni K.Shanmugam na ikinasisiya niya ang pag-unlad ng relasyon ng Singapore at Tsina. Ang darating na taon ay ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Singapore at Tsina at umaasa ang Singpore na ibayo pang mapapahigpit ang relasyon nila ng Tsina.
Ipinahayag naman ni Yang Jiechi na maganda ang tunguhing pangkaunlaran ng relasyong Sino-Singapore. Nakahanda ang Tsina na palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan nila ng Singpore sa iba't ibang antas at aspekto at magkasamang pasulungin ang pagiging malusog ng relasyong Sino-ASEAN para makapagbigay ng positibong ambag sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan ng rehiyon.