Idinaos kagabi sa Bangkok ng Embahadang Tsino sa Thailand ang resepsiyon bilang pagdiriwang sa Ika-65 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng People's Republic of China (PRC). Sa kanyang talumpati, lubusang tiniyak ni Ning Fukui, Embahador Tsino sa Thailand, ang relasyong pangmatagalan, pangkaibigan, at pangkooperasyon ng Sino-Thai.
Sinabi ni Ning na katatatag lang ng bagong pamahalaan ng Thailand at lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyong Sino-Thai. Aniya, nakahanda ang pamahalaang Tsino na magsikap, kasama ng iba't ibang sirkulo ng Thailand, para patuloy na mapanatili ang pagdadalawn sa mataas na antas, mapasulong ang kooperasyong may mutuwal na kapakanan, mapahigpit ang pagpapalitang kultural, at walang humpay na payamanin ang nilalaman ng komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Salin: Andrea