"May sapat na oras hanggang sa paglalagda sa kasunduan hinggil sa komprehensibong paglutas sa isyung nuklear ng Iran sa pamamagitan ng mapayapang talastasan." Ito ang ipinahayag kahapon ni Jen Psaki, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Amerika bilang tugon sa nakatakdang talastasan ng Amerika, Unyong Europeo at Iran sa Vienna, Austria sa susunod na linggo.
Ayon sa "Joint Action Plan" na narating noong Nobyembre sa pagitan ng Iran at Six Parties sa isyung nuklear ng Iran, na kinabibilangan ng Amerika, Britanya, Pransya, Rusya, Tsina at Alemanya, bahagi nang itinigil ng Iran ang mga nuclear action nito mula ika-20 ng Hulyo ng taong ito. Samantala, binawasan naman ng mga bansang kanluranin ang sangsyon laban sa Iran. Pero, hindi nila narating ang komprehensibong kasunduan. Kaya, napagpasiyahan kamakailan ng mga may-kinalamang panig na magpapatuloy ang nasabing talastasan sa susunod na apat na buwan.