Pagkaraang itatag ang Republikong Bayan ng Tsina, puspusang kumatig ang bagong pamahalaan sa pagpapaunlad ng siyensya at teknolohiya. Mula noong 1956, sinimulan ang pagsubok-yari ng computer.
Mula noong 1958 hanggang 1959, sariling-ginawa sa Tsina kauna-unahang maliit na tube computer at malaking tube computer. Ang mga ito ay tinawag na unang henerasyon ng computer ng Tsina.
Noong 1965, sariling-ginawa ang transistor computer na may calculation speed na 50, 000 bits per second, at ito ay tinawag bilang ika-2 henerasyon ng computer ng Tsina.
Noong unang hati ng 1970's, ginawa ng Tsina ang kauna-unahang IC computer na may calculation speed na 110, 000 bits per second, ito ang ika-3 henerasyon.
Noong 1973, natapos sa Beijing ang pagsubok-yari sa kauna-unahang IC computer na may calculation speed na isang milyong kada segundo. Pagkaraan ng operasyon ng mahigit 3,000 oras, matatag ang punksyon at mainam ang kalidad nito. Ito ay isang mahalagang bunga ng pag-unlad ng siyensiya at teknolohiya ng Tsina at naging isang milestone sa pag-unlad ng computer ng Tsina.
salin:wle