|
||||||||
|
||
Sa seremonya ng paglalagda sina sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Dmitry Medvedev ng Rusya
MOSCOW, Xinhua—Nilagdaan kahapon ng Tsina at Rusya ang Memorandum of Understanding (MOU) hinggil sa high-speed rail para itatag ang Eurasian high-speed transport corridor sa pagitan ng Beijing at Moscow.
Tumayong-saksi sa seremonya ng paglalagda sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Dmitry Medvedev ng Rusya.
Natapos kahapon nina Li at Medvedev ang Ika-19 na Regular na Pagtatagpo ng Punong Ministro ng Tsina at Rusya.
Ang nasabing MOU ay isa sa 40 kasunduan na narating ng dalawang bansa, bilang bunga ng katatapos na pagtatagpo ng dalawang punong ministro.
Ang proyekto ng high-speed rail ay isa sa mga pangunahing proyektong kooperatibo na inilunsad kamakailan ng Tsina at Rusya para maisakatuparan ang target na umabot sa 100 bilyong dolyares ang bilateral na kalakalan sa 2015.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |