|
||||||||
|
||
MOSCOW, Xinhua – Natapos kahapon ang Ika-19 na Regular na Pagtatagpo ng Punong Ministro ng Tsina at Rusya.
Pagtapos ng nasabing pagtatagpo, magkasamang humarap sa mga mamamahayag sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Dmitry Medvedev ng Rusya.
Sa preskon, sinabi ni Premyer Li na pumapasok na sa bagong yugto ang komprehensibong estratehikong partnership na pangkooperasyon ng Tsina at Rusya. Bilang magkapitbansa na may pinakamalaking populasyon at pinakamalawak na teritoryo ayon sa pagkakasunod, may katangian ang pagtutulungan ng Tsina at Rusya na nagtatampok sa pagiging estratehiko, matatag at pangmatagalan.
Kaugnay ng mga pragmatikong pagtutulungan ng dalawang bansa sa hinaharap, sinabi ni Premyer Li na kailangang ibayo pa silang magbukas ng mga pamilihan, palawakin ang pamumuhunan at pasulungin ang mga estratehikong proyekto.
Ipinahayag naman ang kahandaan ni Medvedev na palawakin ang pagtutulungan ng Tsina at Rusya sa hay-tek, pamumuhunan, agrikultura at pinansya para maisakatuparan ang target na umabot sa 100 bilyong dolyares ang bilateral na kalakalan sa 2015. Ipinangako rin niyang pasulungin ang pagpapalitang di-pampamahalaan, lalung lalo na sa pagitan ng mga kabataan para maipagpatuloy ang pagkakaibigan ng dalawang bansa sa hene-henerasyon.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |