Ipinahayag kahapon ng General Administration of Customs ng Tsina na umabot na sa 2.13 trilyong Yuan RMB ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina at ASEAN, noong unang 3 kuwarter ng kasalukuyang taon. Ito ay mas malaki nang 6% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon at katumbas rin ng 11% kabuuang halaga sa pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina.
Ayon sa pinakahuling estadistika ng adwana ng Tsina, noong unang 3 kuwarter, ang ASEAN ay naging pangatlong trade partner ng Tsina, kasunod ng Unyong Europeo(EU) at Amerika.
Samantala, umabot sa 2.81 trilyong Yuan ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina at EU, at 2.48 trilyong Yuan naman sa pagitan ng Tsina at Amerika.