Ayon sa pinakahuling estadistika na ipinalabas kahapon ng Adwana ng Guangdong, dahil lumaki ng mahigit 30% ang kalakalang panlabas ng Lalawigang Guangdong noong nagdaang Setyembre, may mainam na tunguhin ang datos ng kalakalang panlabas ng lalawigang ito. Noong unang tatlong kuwarter ng kasalukuyang taon, lumaki ng 6.2% ang kalakalan ng Guangdong sa ASEAN.
Samantala, noong nagdaang buwan, pawang nagkaroon ng 50% paglaki ang pagluluwas at pag-aangkat ng Guangdong sa Hong Kong, ASEAN at Timog Korea.
Salin: Vera