Apat na lalaki ang dinakip ng Kapulisan ng HongKong sa sagupaang naganap sa Mongkok, bandang madaling araw, kahapon. Limang (5) pulis din ang nasugatan sa nasabing sagupaan. Ipinahayag ng Kapulisan na nakisangkot sa pagrarali sa Mongkok ang masasamang elemento para lumikha ng kaligaligan.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Leung Chun Ying, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng HongKong(HKSAR), na buong tatag na sinusuportahan ng Pamahalaang Sentral ang isinasagawang hakbang ng pamahalaan ng HKSAR para lutasin ang paghadlang at pagsakop sa mga daan ng HongKong. Ipinahayag din niyang walang tigil na nakikialam ang mga puwersang dayuhan sa mga suliraning pulitikal ng HK, tulad ng kasalukuyang pangyayari.
Samantala, sa kanyang pagkikipag-usap kamakalawa sa Boston kay John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika, inilahad ni Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina ang paninindigan ng kanyang bansa sa mga katugong isyu ng HK. Binigyang-diin ni Yang na buong tatag na tinututulan ng pamahalaang Tsino ang anumang ilegal na aksyong makakapinsala sa katarungan at katatagan ng HK, at kinakatigan nito ang kalutasang pambatas na isinasagawa ng HKSAR sa pangangalaga sa katatagang panlipunan. Aniya, ang isyu ng HK ay suliraning panloob ng Tsina at umaasa itong gagawin ng Amerika ang bagay-bagay na makakatulong sa pangangalaga sa katatagan at kasaganaan ng HK.