Kahapon, sa Brussels, idinaos ng Rusya, European Union (EU) at Ukraine ang pinakahuling round ng Pagsasanggunian hinggil sa usapin ng natural gas. Hindi narating ng Rusya at Ukraine ang Kasunduan ng pagsuplay ng natural gas. Sa isang pahayag, sinabi ni Guenther Oettinger, Kinatawan ng EU at Miyembro ng Komisyon ng EU na namamahala sa mga suliraning pangenerhiya na hindi nalutas ang mga isyung tulad ng kakulangan sa pondo at iba pa.
Sinabi ni Oettinger na idaraos ang bagong round na pagsasanggunian ng naturang tatlong panig sa Brussels sa ika-29 ng buwang ito. Bago rito, maghahanap ng EU at Ukraine ng kalutasan sa isyu ng kakulangan sa pondo.
Salin:Sarah