Sinimulan kahapon ng Tsina at Rusya ang konstruksyon ng kanilang East Route natural gas pipeline na nagmumula sa Yakutsk, lunsod sa silangang Siberia ng Rusya.
Ang joint venture na ito ay isinasagawa batay sa kontrata ng dalawang bansa na may kinalaman sa suplay ng natural gas.
Dumalo sa pasinaya sina Zhang Gaoli, Pangalawang Premyer ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya.
Dalawang araw nauna rito, ang dalawang bansa ay nagdaos ng Ika-11 Pulong ng Lupon sa Kooperasyong Pang-enerhiya.
Salin: Jade