Beijing, Xinhua—Natapos na ng Tsina ang pagsubok sa unang low Earth orbit communication satellite ng bansa.
Ang balitang ito ay ipinatalastas kahapon ng Joint Research Center for Aerospace Information Network Technology na nasa magkakasamang pagtataguyod ng Tsinghua University at Beijing Xinwei Telecom Technology Inc. Ang nasabing Sentro ay siya ring namamahala sa pananaliksik at pagyari sa nasabing satellite.
Ang low Earth orbit communication satellite, na may mas mababang orbita kumpara sa geosynchronous satellite ay nakakatulong sa telekomunikasyon sa pagitan ng mga mobile user at sa pagitan ng mga mobile user at landline user.
Ang unang low Earth orbit communication satellite ng Tsina ay inilunsad noong ika-4 ng Setyembre ng taong ito.
Salin: Jade