Ayon sa Xinhua News Agency ng Tsina, ilang progreso ang natamo sa bagong round ng talastasan ng Trans-Pacific Strategic Economic Partnership Agreement(TPP) na idinaos kahapon sa Sidney, Australia. Pero, nagkakaiba pa rin ang palagay ng Amerika at Hapon sa isyu ng market access.
Ayon sa ulat, hinihiling ng Amerika sa Hapon na bawasan ang limitasyon sa pag-aangkat ng mga produktong agricultural, na gaya ng karne ng baboy, baka at asukal. Samantala, umaasa naman ang Hapon na maiiwasan ang epekto mula sa mga produktong dayuhan sa larangang ito.