Sa Nay Pyi Taw, kabisera ng Myanmar—Binuksan dito ngayong araw ang ika-25 ASEAN Summit. Tatalakayin sa naturang summit ng mga lider ng 10 bansang ASEAN ang hinggil sa proseso ng konstruksyon ng ASEAN Community, ekspektasyon ng pag-unlad sa susunod na yugto pagkaraang itatag ang ASEAN Community, at kung paanong mapapalakas ang konstruksyon ng mga organo at sariling kakayahan ng ASEAN.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Pangulong Thein Sein ng Myanmar, kasalukuyang bansang tagapangulo ng ASEAN, na ang kasalukuyang summit ay idinaraos sa isang mahalagang panahon ng konstruksyon ng ASEAN Community. Binalak ng ASEAN na itatag ang ASEAN Community sa katapusan ng taong 2015. Sa kasalukuyan, naisakatuparan ang karamihan ng mga blueprint target ng konstruksyong ito, pero kinakailangang pa rin nito ang patuloy na pagsisikap. Dapat harapin din ang mga bagong hamon pagkaraan ng taong 2015.
Salin: Vera