|
||||||||
|
||
NABUBUHAY at sumisigla ang manufacturing sector ng bansa at mapapakinabangan sa pagsasama ng sampung bansa sa timog-silangang Asia sa darating na Enero uno ng 2016.
Sinabi ni Trade and Industry Assistant Secretary Rafaelita Aldaba na umasa ang Pilipinas sa services industry sa mga nakalipas na panahon. Sa pagsusuring ginawa, maraming nagtagumpay na bansa sa pagdaragdag ng kanilang manufacturing sector ng may hanggang 30%.
Ito ang kanyang sinabi sa ginawang pagtitipon sa Ateneo Professional Schools' forum hinggil sa ASEAN Integration. Nais umano ng pamahalaang mapasigla ang ekonomiya at mapaunlad ang manufacturing industry.
Tumaas na umano ang manufacturing sector ng 7.3% noong 2012 at 9.3% noong 2013. Maraming senyal na gumaganda ang manufacturing sector, dagdag pa ni Bb. Aldaba.
Malaki umano ang potensyal ng ASEAN sapagkat umaabot sa 600 milyon katao ang naninirahan sa rehiyon. Kailangan ding tumaas ang value added ng sektor mual 24 hanggang 30% ng 2030. Kailangan ding madagdagan ang mga hanapbuhay ng mula sa siyam hanggang 15%.
Dating Acting Vice President ng Philippine Institute for Developmental Studies si Bb. Aldaba.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |