DUMATING na sa Nay Pyi Taw, Myanmar si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III kagabi upang lumahok sa 25th Association of Southeast Asian Nations Summit na sinimulan kanina at magtatapos bukas as Myanmar International Convention Center.
Lumapag ang arkiladong Philippine Air Lines Flight PR 001 na sinasakyan ni Pangulong Aquino sa paliparan mga alas onse dies kagabi.
Sinalubong siya ni Philippine Ambassador to Myanmar Alex Chua at Defence and Armed Forces Attaché Colonel Edgardo de Leon. Sumalubong din si Myanmar Chief of Protocol U Thurin Thant Zin, Myanmar Ambassador to the Philippines U Ye Myint Aung, Liaison Officer of the President Han Win Nain at Security Officer to the President Colonel Tun Naing.
Kasama niya sina Foreign Affairs Secretary Albert F. del Rosario, Cabinet Secretary Rene Almendras, Trade and Industry Secretary Gregory Domingo, Finance Secretary Cesar Purisima, Socio Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan, PMS Secretary Julia Abad at Presidential Protocol Chief Celia Anna Feria.
Nagsimula na ang ASEAN Summit kaninang ika-siyam ng umaga. Kaninang ika-sampu ng umaga, kasama ni Pangulong Aquino ang iba pang mga lider ng ASEAN, inilunsad ang ASEAN Institute of Greenhing Economy. Ilulunsad rin ang ASEAN Communication Master Plan.