Sa kanyang pakikipag-usap kahapon sa Beijing kay Ahmed Zahid Hamidi, Ministro ng Suliraning Panloob ng Malaysia, ipinahayag ni Guo Shengkun, Ministro ng Seguridad na Pampubliko ng Tsina na kasalukuyang nananatiling mainam ang kooperasyon ng Tsina at Malaysia sa law enforcement, lalo na sa larangan ng paglaban sa telecom fraud, pagpupusilit ng droga, pamamahala sa pagpalabas at pagpasok ng hanggahan at iba pa. Umaasa aniya siyang pahihigpitin pa ng dalawang panig ang pragmatikong pagtutulungan sa pakikibaka laban sa terorismo para mapangalagaan ang seguridad at katatagan ng lipunan.
Ipinahayag naman ni Ahmed Zahid Hamidi na nakahanda ang Malaysia na magsikap, kasama ng Tsina, para pasulungin ang pagtutulungan sa law enforcement, sa isang mas mataas na antas.