Ipinahayag kahapon sa Nay Pyi Taw ni Shwe Mann, Puno ng Parliamento ng Myanmar na ipagpapatuloy ang kasalukuyang Konstitusyon sa gagawing pambansang halalang idaraos sa katapusan ng taong 2015. Aniya, kasalukuyang tinalakay ng Parliamento ang mga isyu ng pagsusog sa Konstitusyon. Pero, ipinalalagay ni Shwe Mann na posibleng maisakatuparan ang nasabing target, matapos ihalal ang susunod na pamahalaan. Dagdag pa niya, idaraos ng Myanmar ang reperendum hinggil dito sa darating na Mayo.
Winika ito ni Shwe Mann bilang tugon sa kahilingan ng oposisyon hinggil sa pagsusog sa kasalukuyang Konstitusyon.