Ipinahayag kahapon ng opisyal ng Unyong Europeo(EU) na nakatakdang idaos ng EU at Hapon ang ika-8 round ng talastasan hinggil sa malayang kalakalan, sa ika-8 ng Disyembre. Aniya, may pag-asang matatapos ang nasabing talastasan sa katapusan ng taong 2015.
Nang araw ring iyon, ipinahayag din ng EU ang pagdaraos bukas ng pulong ng mga Ministrong Pangkalakalan nito para sa pagbibigay-taya sa report na isinumite ng EU Commission hinggil sa progreso ng naturang talastasan. Nagsimula ang nasabing talastasan mula noong Marso, 2013.
Noong taong 2011, ang Hapon ang ikapitong pinakamalaking trade partner ng EU, at EU naman ang ikatlong pinakamalaking trade partner ng Hapon.