Idinaraos ang Cyber Security Week ng Tsina mula ika-24 hanggang ika-30 ng Nobyembre.
Ito ang unang pambansang aktibidad ng Tsina hinggil sa seguridad sa Internet.
Sa pagtataguyod ng Ministri ng Industriya at Impormasyon, Ministri ng Edukasyon at Ministri ng Seguridad na Pampubliko, ang Cyber Security Week ay naglalayong makatulong sa mga mamamayang Tsino na malaman ang hinggil sa potensyal na panganib na panseguridad sa Internet para mapangalagaan ang kanilang sarili.
Noong 1994, nagsimulang makakabit ang Tsina sa World Wide Web. Ayon sa datos hanggang nagdaang Hunyo, umabot sa 632 milyon ang Internet users ng Tsina. Ito ay katumbas ng kalahati ng kabuuang populasyon ng bansa.
Salin: Jade