Idinaos kahapon sa Vientiane, Laos ang Ika-8 Summit ng Cambodia, Laos at Vietnam. Dumalo sa pagtitipon sina Punong Ministrong Hun Sen ng Kambodya, Punong Ministrong Thongsing Thammavong ng Laos at Punong Ministrong Nguyen Tan Dung ng Biyetnam. Nagpalitan ng kuru-kuro ang tatlong panig hinggil sa ibayo pang pagpapahigpit ng pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, lalo na ng kooperasyong pangkabuhayan sa mga purok-hanggahan ng 3 bansa.
Sa isang magkasanib na pahayag na ipinalabas ng tatlong bansa, sinabi nitong bubuo ang isang espesyal na grupong pamamahala sa pagpapasulong pa ng kooperasyon ng kabuhayan, pamumuhunan, turismo, people-to-people exchanges ng kabataan at iba pa.