Isiniwalat kamakailan ng Ministri ng Transportasyon ng Laos ang isang pangmatagalang plano sa konstruksyon ng mga imprastruktura sa loob ng bansa, at ito ay nagkakahalaga ng halos 6 na bilyong dolyares.
Ayon sa ulat ng mga media ng Laos, nagpulong ang pamahalaang Lao para talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng transportasyon at plano ng pag-unlad sa hinaharap.
Ayon sa pulong na ito, buong sikap na pasusulungin ng bansa ang pag-unlad ng transportasyon para makatugon sa kahilingan ng integrasyon ng ASEAN.
Bukod dito, pasisiglahin din ng Laos ang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal sa konstruksyon ng mga lansangan, dagdag pa ng ulat.