Sa ngalan ng Pamahalaang Indones, lumagda kahapon sa Jakarta si Bambang Brodjonegoro, Ministro ng Pinansiya ng Indonesia, sa Memorandum ng pagtatatag ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB). Ang Indonesia ay naging ika-22 may-intensyong bansang tagapagtatag ng AIIB. Si Xie Feng, Embahador ng Tsina sa Indonesia, ay sumaksi sa nasabing paglalagda.
Ipinahayag ni Bambang na ang direksyon ng paglaan ng AIIB ay angkop sa estratehiyang pangkaunlaran ng bagong Pamahalaang Indones. Ito aniya ay makakapagpasulong sa konstruksyon ng imprastruktura at pag-unlad ng kabuhayan sa buong Asya. Nakahanda ang Indonesia na magsikap kasama ng ibang bansang tagapagtatag, para magkakasamang mapasulong ang operasyon ng AIIB sa lalong madaling panahon.
Salin: Li Feng