Sa pakikipag-usap kahapon sa Beijing sa kanyang Laotian counterpart na si Soubanh Srithirath, ipinahayag ni Zhang Yang, Pinuno ng General Political Department ng PLA ng Tsina na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Laos para pasulungin ang malusog na estratehikong partnership ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan. Sinabi ni Zhang na nagiging mabunga ang pagtutulungan ng dalawang hukbo sa pagpapalitan at pagsasanay sa mga armadong tauhan, at kooperasyong pandepensa. Umaasa aniya siyang uunlad ang mapagkaibigang relasyon ng dalawang hukbo.
Ipinahayag naman ni Soubanh na nakahanda ang Laos na pahigpitin pa ang pagtutulungan ng dalawang bansa at mga hukbo nito.