Nag-usap kahapon sa Beijing sina Fang Fenghui, Puno ng Pangkalahatang Estado Mayor ng People's Liberation Army (PLA) ng Tsina, at kanyang counterpart na si Suvon Luongbunmi mula sa Laos, hinggil sa relasyong militar ng dalawang bansa.
Sinabi ni Fang na mainam ang relasyong militar ng dalawang panig. Nakahanda ang Tsina, kasama ng Laos, na patuloy na pasulungin ang pagpapalagayan ng mga tauhan sa iba't ibang antas at palalimin ang mga aktuwal na kooperasyon.
Pinasalamatan ni Suvon Luongbunmi ang pagbibigay-tulong ng Tsina sa hukbong Lao. Dagdag pa niya, nakahanda ang hukbong Lao na pahigpitin, kasama ng Tsina, ang mga kooperasyon ng mga hukbo ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan.