Sa pakikipag-usap kahapon sa kanyang Syrian counterpart na si Walid Muallem, ipinahayag ni Sergei Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya na hindi dapat isagawa ng Amerika at kanilang kaalyadong bansa ang double-standard sa pagbibigay-dagok sa terorismo. Sinabi ni Lavrov na ang paglaban sa mga organisasyong terorista at ekstrimista ang kauna-unahang tungkulin ng komunidad ng daigdig sa rehiyong Gitnang-Silangan. Aniya, matapos wasakin ng Syria ang mga sandatang kemikal at makipagtulungan ito sa komunidad ng daigdig, isinagawa pa rin ng Amerika ang air raid laban sa IS sa loob ng teritoryo ng Syria, bago ipinatupad ang sangayon ng Syria. Tinutulan aniya ng Rusya ang mga ito.
Ipinahayag din ni Lavrov na patuloy na bibigyan ng Rusya ng tulong ang Syria para pataasin ang kakayahan ng huli sa paglaban sa terorismo.