|
||||||||
|
||
Nag-usap kahapon sa telepono sina Pangulong Vladimir Putin ng Rusya at Pangulong Petro Poroshenko ng Ukraine. Nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa bilateral na relasyon ng dalawang bansa at kalagayan sa gawing silangan ng Ukraine. Ipinalalagay ng dalawang lider na ito ay makakatulong sa paglutas ng kasalukuyang krisis sa naturang bansa.
Nauna rito, ilang media ang nag-ulat na nagpalabas di-umano ng banta ang Rusya sa Ukraine sa pag-uusap. Itinanggi naman ito ng Kremlim.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |