Ipinahayag kahapon ni Alexander Lukashevich, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Rusya, na kung magkakaloob ang Estados Unidos ng mga mapanganib na sandata sa Ukraine, magsisilbi itong isang pangunahing di-matatag na elemento. Nangangahulugan itong may malalim na pagbabago ang patakaran ng Amerika sa sagupaan sa Silangang Ukraine.
Sinabi ni Lukashevich na kamakailan, may impormasyong nagsasabing ipagkakaloob ng Amerika ang mga mapanganib na sandata sa Ukraine. Aniya, kung totoo ang ganitong impormasyon, malubhang makakaapekto ito sa balanse ng puwersang panrehiyon.
Kaugnay ng isyung posibleng sumapi sa North Atlantic Treaty Organization (NATO) ang Ukraine, sinabi ni Lukashevich na kung ipapasiya ng Ukranie na baguhin ang paninindigang walang kinikilingan, hihiling ang Rusya sa NATO na gumawa ng pangako sa hindi pagsapi ng Ukraine sa NATO.
Salin: Vera