|
||||||||
|
||
BEIJING—Hinimok ng Tsina ang Hapon na pabilisin ang pagwasak sa mga sandatang kemikal na naiwan sa Tsina noong World War II (WWII).
Sinimulan kamakalawa ng Hapon ang pagwasak sa mga sandatang kemikal na naiwan nito sa Ha'erba Ridge sa Dunhua City, Lalawigang Jilin sa dakong hilaga-silangan ng Tsina.
Sa isang preskon kahapon, ipinahayag ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na maraming beses na ipinagdiinan ng kanyang bansa na ang mga sandatang kemikal na naiwan ng mga militaristang Hapones ay nagdudulot pa rin ng banta at panganib sa mga mamamayan at kapaligirang lokal. Kaya, muling hiniling ng Tsina sa Hapon na buwagin ang mga sandatang naiwan nito sa Tsina, ayon sa Chemical Weapons Convention (CWC) at Memorandum on the Destruction of Japanese-Discarded Chemical Weapons in China.
Idinagdag pa ni Hua na hanggang sa kasalukuyan, nakatulong ang Tsina sa Hapon nang mahigit 200 beses sa pag-iimbestiga, paghukay, pagkilala at pagliligpit, at mahigit 50,000 sandatang kemikal ang nabawi.
Ipinagdiinan ng tagapagsalitang Tsino na sa kabila ng nasabing pagsisikap, nahuhuli pa rin sa takdang iskedyul ang Hapon sa pag-bawi at pagwasak sa mga sandatang kemikal na naiwan nito sa Tsina. Kaya, kailangang pabilisin ng Pamahalaang Hapones ang gawaing ito.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |