|
||||||||
|
||
Inawtorisahan kahapon ng mga biktima ng pananalakay ng militarismong Hapones noong World War II (WWII) mula sa Panjiayu, nayon sa Fengrun County, Lalawigang Hebei sa dakong hilaga ng Tsina ang Samahan ng Di-pampamahalaang Paghingi ng Kompensasyon sa Hapon para isakdal sa hukumang lokal ang mga mananalakay na Hapones.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na isasakdal ng mga biktimang Tsino ang mga mapanalakay na Hapones sa hukumang Tsino.
Ayon sa mga batas na pandaigdig, may hurisdiKsyon ang hukumang lokal sa mga aksyon ng paglapastangan na naganap sa lokalidad, kaya, may kapangyarihan ang hukumang Tsino na litisin ang nasabing kaso.
Noong ika-25 ng Enero, 1941, kinubkob ng hukbong Hapones ang Panjiayu at pinaslang ang lahat ng 1,230 taga-nayon. Ito ang malagim na pangyayaring tinaguriang "Panjiayu Massacre."
Ayon sa kolektibong huling habilin ng mga biktima ng Panjiayu Massacre, ang kanilang hihingiing kompensasyon ay nagkakahalaga ng 6 na bilyong yuan o 1 bilyong dolyares.
Sapul noong 1995, mahigit 30 sakdal ang naihain ng mga biktimang Tsino sa mga hukuman ng Hapon para humingi ng kompensasyon at paumanhin mula sa Hapon, pero, natalo o tinanggihan ang lahat ng mga sakdal.
Salin: Jade
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |