Isang suicide bombing ang naganap kamakailan sa isang moske sa Kano, lalawigan sa kahilagaan ng Nigeria. Ikinamatay ito ng 120 katao at ikinasugat naman ng 270 iba pa.
Kaugnay nito, ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pakikiramay sa pamilya ng mga biktima.
Sinabi ni Hua na mahigpit na kinondena at buong tatag na tinutulan ng Tsina ang lahat ng mga aksyong teroristiko. Patuloy na kakatigan aniya ng Tsina ang pagsisikap ng Nigeria para pangalagaan ang seguridad at katatagan ng estado.