Nakatakdang ilabas ngayong araw ng Mababang Kapulungan ng Hapon ang mga kandidato para sa nalalapit na halalan. Ito ay palatandaan ng opisyal na simula ng pambansang halalan ng bansa.
Ihahalal ang 475 luklukan sa Mababang Kapulungan, na mas maliit ang bilang ng lima kumpara sa mga nagdaang halalan. Idaraos ang pagboto sa ika-14 ng buwang ito.
Sinabi ni Shinzo Abe, Punong Ministro ng Hapon, na kung makukuha ng Liberal Democratic Party at New Komeito Party ang kalahating luklukan (di kukulangin sa 238), mananalo sila. Ngunit, bago buwagin ang Mababang Kapulungan, nakuha ng dalawang partido ang 326 luklukan.
Salin: Andrea