Magkakahiwalay na naganap ngayong araw sa mga lalawigan ng Pattani, Yala, at Changwat Narathiwat sa katimugan ng Thailand ang insidente ng pamamaril. 3 katao ang namatay dito, at 1 ang nasugatan.
Sa kasalukuyan, iniimbestigahan ng panig pulisya ang motibo ng mga may kagagawan.
Upang baguhin ang kalagayan ng walang humpay na pagkaganap ng karahasan sa tatlong lalawigan sa katimugan ng Thailand nitong nakalipas na 10 taon, ipinatalastas kahapon ng pamahalaang Thai ang pagbuo ng komisyon ng talastasang pangkapayapaan hinggil sa mga suliranin ng rehiyon ng timog Thailand. Si Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ay naging tagapangulo ng naturang komisyon. Ang komisyong ito ay naglalayong hanapin ang patakaran ng talastasang pangkapayapaan at pangmatalagang mekanismo ng paglutas sa kaguluhan sa katimugan ng bansa.
Salin: Vera