|
||||||||
|
||
Si Prayuth Chan-ocha
Sinabi kahapon ni Prayuth Chan-ocha, Punong Ministro ng transisyonal na pamahalaan ng Thailand at Tagapangulo ng Peackeeping Committee, na patuloy na makikipagtulungan ang pamahalaan sa Peacekeeping Committee at lehislatibong asemblea, para malutas ang mga naiwang problema ng dating pamahalaan.
Idinaos nang araw ring iyon ng transisyonal na pamahalaan at peacekeeping committee ng Thailand ang unang magkasanib na pulong para talakayin ang hinggil sa magkasamang paglutas sa mga problema na may kinalaman sa kabuhayan, lipunan, diplomasya, suliraning pambatas at katiwasayan ng bansa.
Kaugnay ng isyu ng pambansang katiwasayan, sinabi ni Chan-ocha na sa kasalukuyan, nangingibabaw pa rin ang mga aktibidad na nakakatuon sa pamahalaan at Peacekeeping Committee. Aniya, alang-alang sa katiwasayan, kailangang-kailangan pa rin at patuloy na isasagawa ang military siege.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |