Ayon sa ulat ng pahayagang "Vietnam Economy Times" noong ika-5 ng buwang ito, ipinahayag ng Ministri ng Pananalapi ng Biyetnam na mula unang araw ng taong 2015, ipapataw ng Biyetnam ang serong taripa sa 1715 uri ng paninda. Isasagawa naman ang serong taripa sa ibang 687 uri ng paninda sa taong 2018. Ang nabanggit na mga paninda ay, pangunahing na, mga paninda na gaya ng kotse, motorcycle at mga piyesa nito, mga produktong yari ng gatas, mga tropikal na prutas, refrigerator, air-conditioner, pagkain sa hayop, plastic, bapor at iba pa.
Salin: Vera