Nakipag-tagpo kahapon sa Lima,Peru si Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN kay Xie Zhenhua, Puno ng delegasyong Tsino sa UN Climate Change Conference.
Sa pagtatagpo, positibo si Ban sa gumagabay na papel ng Tsina sa larangan ng klima.
Sinabi ni Ban na may mahalagang katuturan ang "Magkasanib na Pahayag ng Tsina at Amerika sa Pagbabago ng Klima," at ito ay makakatulong sa talastasan hinggil sa isyu ng pagbabago ng klima. Samantala, naging huwaran ang Tsina at Amerika sa paghawak sa prinsipyong "Common but different responsibility," ani Ban.