Sa Beijing—Idinaos dito kahapon ang Lao PDR Theme Day na may temang "Pagkakataon ng Komersyo at Pamumuhunan." Ang naturang aktibidad ay naglalayong likhain ang pagkakataon para maunawaan ng mga bahay-kalakal ng Tsina ang patakaran ng Laos sa kabuhayan, kalakalan at pamumuhunan, at talakayin ng mga mangangalakal ng dalawang bansa ang karanasan sa kooperasyon sa ibayong dagat.
Sa kanyang talumpati sa aktibidad, sinabi ni Somdy Bounkhoum, Embahador ng Laos sa Tsina, na mula noong Enero hanggang Setyembre ng kasalukuyang taon, umabot sa 718 milyong dolyares ang kabuuang halaga ng pamumuhunan ng Tsina sa Laos, at ang Tsina ay naging pinakamalaking bansang namumuhunan sa Laos. Dagdag pa niya, humihigpit nang humihigpit ang kooperasyon ng kapuwa panig sa larangan ng turismo. Ito aniya ay nagpapakita ng pagkakaibigan at komong hangarin ng dalawang bansa.
Salin: Vera