Sa Astana, kabisera ng Kazakhstan-Sa kanyang pakikipag-usap dito kahapon kay Pangulong Nursultan Nazarbayev ng Kazakhstan, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na nagkakaisa ang ideyang pangkaunlaran ng Tsina at Kazakhstan. Nakahanda aniya ang Tsina na pahigpitin ang pagtutulungan ng dalawang bansa, batay sa pagpapalakas ng pagtitiwalaan sa pulitika, pagpapalawak ng kalakalan at pamumuhunan, pagpapalalim ng pagtutulungan sa enerhiya, pagpapasulong ng people-to-people exchanges, at pagbibigay-ginhawa sa mga mamamayan.
Ipinahayag naman ni Pangulong Nazarbayev ang pasasalamat sa pagbibigay-tulong ng Tsina sa konstruksyon ng pagsasa-industriya ng bansa. Aniya, positibo ang kanyang bansa sa mungkahi ng Tsina hinggil sa pagtatatag ng Silk Road Economic Corridor at Silk Road sa Karagadan sa ika-21 siglo. Dagdag pa niya, hinihintay ng Kazakhstan ang pakikisangkot ng Tsina sa konstruksyon ng imprastruktura nito.